Sangay ng Fiqh

S: Ang ṭahārah (kadalisayan) ay ang pag-alis ng ḥadath at ang paglaho ng karumihan.
Ang ṭahārah sa karumihan ay ang pagpawi ng Muslim ng napunta na najāsah (karumihan) sa katawan niya o sa kasuutan niya sa puwesto o lugar na pagdarasalan niya.
Ang ṭahārah sa ḥadath ay ang sa pamamagitan ng pagsasagawa ng wuḍū' o ghusl sa pamamagitan ng tubig na naipandadalisay o ng tayammum para sa sinumang nawalan ng tubig o naging imposible sa kanya ang gumamit nito.

S: Sa pamamagitan ng paghuhugas dito gamit ng tubig hanggang sa madalisay.
Hinggil naman sa dinilaan ng aso, huhugasan ito ng pitong ulit, na ang unang paghugas ay may lupa.

S: Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Kapag nagsagawa ng wuḍū' ang taong Muslim – o ang Mananampalataya – kaya naghugas siya ng mukha niya, lalabas mula sa mukha niya ang bawat pagkakamali na tiningnan ng mga mata niya kasabay ng tubig o kasabay ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga kamay niya, lalabas mula sa mga kamay niya ang bawat pagkakamali na hinagupit ng mga kamay niya kasabay ng tubig o kasabay ng huling patak ng tubig; saka kapag naghugas siya ng mga paa niya, lalabas ang bawat pagkakamali na nilakad ng mga paa niya kasabay ng tubig o kasabay ng huling patak ng tubig, hanggang sa lumabas siya na malinis sa mga pagkakasala." Nagsalaysay nito si Imām Muslim.

S: Maghuhugas ka ng mga kamay nang tatlong ulit.
Magmumumog ka, sisinghot ka ng tubig, magsisinga ka nito nang tatlong ulit.
Ang pagmumumog ay ang paglalagay ng tubig sa bibig, pagpapagalaw nito, at ang pagbuga nito.
Ang pagsinghot ay ang paghatak ng tubig sa pamamagitan ng paghinga paloob sa ilong sa pamamagitan ng paglalagay nito ng kanang kamay.
Ang pagsinga ay ang pagpapalabas ng tubig mula sa ilong matapos ng pagsinghot.
Pagkatapos maghuhugas ng mukha nang tatlong ulit.
Pagkatapos maghuhugas ng mga kamay at mga braso hanggang sa lampas sa siko nang tatlong ulit.
Pagkatapos ang pagpahid sa ulo sa pamamagitan ng pagpaparaan ng mga kamay mo mula sa harapan at pagbabalik ng mga ito mula sa likod ng ulo, at pagpapahid sa mga tainga.
Pagkatapos maghuhugas ka ng mga paa mo hanggang sa mga bukungbukong nang tatlong ulit.
Ito ay ang pinakakumpleto. Napagtibay nga iyon ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga ḥadīth sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy at Ṣaḥīḥ Muslim. Nagsalaysay ng mga ito buhat sa Propeta sina `Uthmān, `Abdullāh bin Zayd, at iba sa dalawang ito. Napagtibay nga rin buhat sa Propeta sa Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy at iba pa rito: "Na siya ay nagsagawa ng wuḍū' nang tigdadalawang ulit," na nangangahulugan na siya ay naghuhugas sa bawat bahagi mula sa mga bahagi ng wuḍū' nang isang ulit o dalawang ulit.

T: Ang mga ito ay ang mga gawaing hindi natutumpak ang wuḍū' ng Muslim kapag nag-iwan siya ng isa sa mga ito.
1. Ang paghuhugas ng mukha at bahagi nito ang pagmumumog at ang pagsinghot ng tubig.
2. Ang paghuhugas ng mga kamay at mga braso hanggang sa lampas sa siko.
3. Ang pagpahid sa ulo at bahagi nito ang mga tainga.
4. Ang paghuhugas ng mga paa hanggang sa mga bukungbukong.
5. Ang pagsusunud-sunod ng mga hinuhugasang bahagi sa pamamagitan ng paghuhugas ng mukha, pagkatapos mga kamay at mga braso, pagkatapos pagpahid ng ulo, pagkatapos paghuhugas ng mga paa.
6. Ang pagtutuluy-tuloy. Ito ay ang pagsasagawa ng wuḍū' sa sandaling nagkakasunud-sunuran nang walang patlang ng sandali hanggang sa matuyuan ng tubig ang mga hinuhugasang bahagi,
gaya ng pagsasagawa ng kalahating wuḍū' at pagkukumpleto nito sa ibang sandali, kaya naman hindi tutumpak ang wuḍū' niya.

Ang mga sunnah ng wuḍū' ay ang mga gawaing kung sakaling ginawa niya ay magkakaroon siya ng isang karagdagan sa pabuya at gantimpala at kung sakaling iniwan niya ay hindi magkakaroon ng kasalanan sa kanya at ang wuḍū' niya ay tumpak.
1. Ang pagsambit ng bismi –llāh (sa ngalan ni Allāh).
2. Ang paggamit ng siwāk.
3. Ang paghugas ng mga kamay.
4. Ang pagsingit ng mga daliri sa mga daliri.
5. Ang paghuhugas nang makalawa o makatatlo sa mga hinuhugasang bahagi.
6. Ang pagsisimula sa kanan.
7. Ang [pagsambit ng] dhikr matapos ng wuḍū': "Ashhadu an lā ilāha illa -llāh, waḥdahu lā sharīka lah, wa ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa rasūluh. (Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal para sa Kanya; at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya.)"
8. Ang pagsasagawa ng ṣalāh na dalawang rak`ah matapos ng wuḍū'.

S: Ang anumang lumabas mula sa dalawang labasan, ang ari at ang tumbong, ng ihi at dumi na ihi o dumi o hangin.
Ang pagkatulog o ang pagkabaliw o ang pagkawala ng malay.
Ang pagkain ng karne ng kamelyo.
Ang paghipo ng ari o tumbong sa pamamagitan ng kamay nang walang harang.

S: Ang tayammum ay ang paggamit ng alikabok at iba pa rito mula sa tuyong lupa sa sandali ng kawalan ng tubig o pagkaimposible ng paggamit nito.

S: Ang pagtapik sa alabok nang nag-iisang ulit sa pamamagitan ng mga palad at ang pagpahid sa mukha at ibabaw ng mga kamay nang nag-iisang ulit.

S: Ang lahat ng mga tagasira ng wuḍū'.
Kapag nakatagpo ng tubig.

S: Ang khuff ay ang anumang isinusuot sa paa na yari sa katad [gaya ng sapatos].
Ang jawrab ay ang anumang isinusuot sa paa na yari sa iba pa sa katad [gaya ng medyas].
Isinasabatas ang pagpapahid sa ibabaw ng mga ito sa halip ng paghuhugas ng mga paa.

S: Ang pagpapadali at ang pagpapagaan sa mga tao, lalo na sa mga oras ng ginaw, taglamig, at paglalakbay kung saan humihirap ang paghuhubad ng suot sa mga paa.

S: 1. Na isuot ang khuff habang nasa isang ṭahārah (kadalisayan), ibig sabihin: matapos magsagawa ng wuḍū'.
2. Na ang khuff ay ṭāhir (walang najis) sapagkat hindi pinapayagan ang pagpahid sa may najis.
3. Na ang khuff ay nakatatakip sa bahagi ng paa na isinasatungkulin hugasan sa wuḍū'.
4. Na ang pagpahid ay sa loob ng yugtong itinakda: para sa residente na hindi naglalakbay ay isang araw at isang gabi at para sa naglalakbay ay tatlong araw at mga gabi ng mga ito.

S: Hinggil sa paraan ng pagpapahid, ito ay ang maglagay ng mga daliring binasa sa tubig sa ibabaw ng mga daliri ng mga paa, pagkatapos padaraanin ang mga palad hanggang sa lulod, na pinapahiran ang kanang paa ng kanang kamay at ang kaliwang paa ng kaliwang paa habang pinaghihiwalay ang mga daliri kapag nagpahid at hindi ito inuulit.

S: 1. Ang pagkawakas ng yugto [ng bisa] ng pagpapahid kaya naman hindi pinapayagan ang pagpahid [na muli] sa khuff matapos ng pagkawakas ng yugto [ng bisa] ng pagpapahid na itinakda ayon sa Sharī`ah, na isang araw at isang gabi para sa residente at tatlong araw at mga gabi ng mga ito para sa naglalakbay.
2. Ang pagkahubad ng khuff kaya naman kapag inalis ng tao ang khuff o ang isa sa dalawang bahagi nito matapos ng pagpahid sa paa, mawawalang-bisa ang pagkapahid sa mga ito.

S: Ang ṣalāh ay ang pagsasamba kay Allāh sa pamamagitan ng mga sinasabi at mga ginagawang itinakda, na pinasisimulan ng takbīr at pinawawakasan ng taslīm.

S: Ang ṣalāh ay isang tungkulin sa bawat Muslim.
Nagsabi si Allāh:
{Tunay na ang pagdarasal, laging para sa mga mananampalataya, ay isang atas na tinakdaan ng panahon.} (Qur'ān 4:103)

S: Ang pag-iwan ng ṣalāh ay isang kufr (kawalang-pananampalataya). Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga):
"Ang kasunduan na nasa pagitan natin at nila ay ang ṣalāh, kaya ang sinumang umiwan nito ay tumanggi ngang sumampalataya."
Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad at Imām At-Timidhīy, at iba pa sa kanilang dalawa.

S: Limang ṣalāh sa araw at gabi: sa ṣalāh sa fajr (madaling-araw) ay dalawang rak`ah, sa ṣalāh sa ḍ̆uhr (tanghali) ay apat na rak`ah, sa ṣalāh sa `aṣr (hapon) ay apat na rak`ah, sa ṣalāh sa maghrib (pagkalubog ng araw) ay tatlong rak`ah, at sa ṣalāh sa `ishā' (gabi) ay apat na rak`ah.

S: 1. Ang pagkaanib sa Islām, kaya hindi natutumpak ito mula sa isang tagatangging-sumampalataya sa Islām.
2. Ang pagkakaroon ng isip, kaya hindi natutumpak ito mula sa isang baliw.
3. Ang pagkakaroon ng kamalayan, kaya hindi natutumpak ito mula sa isang bata na walang malay.
4. Ang layunin.
5. Ang pagpasok ng oras ng ṣalāh.
6. Ang pagkakaroon ng ṭahārah dahil sa pagkaalis ng ḥadath.
7. Ang pagkadalisay mula sa najāsah.
8. Ang pagtatakip ng `awrah.
9. Ang pagharap sa qiblah.

S: Ito ay 14 haligi, ayon sa sumusunod:
1. Ang pagtindig sa tungkuling ṣalāh sa nakakakaya;
2. Ang takbīratul'iḥrām (panimulang takbīr) at ito ay ang pagsabi ng Allāhu akbar;
3. Ang pagbigkas ng Al-Fātiḥah;
4. Ang rukū' (pagyukod): iuunat niya ang likod niya nang tuwid at ilalagay ang ulo niya nang kanibel ng likod niya;
5. Ang pag-angat mula sa rukū';
6. Ang pagtindig nang tuwid;
7. Ang sujūd (pagpapatirapa) at ang paglapag ng noo at ilong, mga palad, mga tuhod, at mga dulo ng mga daliri ng mga paa mula sa lugar ng pagpapatirapa;
8. Ang pag-angat mula sa sujūd;
9. Ang pagkakaupo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa,
na ang sunnah ay na maupo sa upong muftarish:
nakaupo sa kaliwang paa at nakatukod ang kanang paa habang naghaharap nito sa qiblah;
10. Ang kapanatagan at ito ay ang katiwasayan sa haliging panggawain;
11. Ang huling tashahhud;
12. Ang pag-upo para sa tashahhud;
13. Ang dalawang taslīm at ito ay ang pagsabi nang dalawang beses ng "assalāmu `alaykum wa-raḥmatu –llāh";
14. Ang pagkakasunud-sunod ng mga haligi – gaya ng nabanggit natin – kaya kung sakaling nagpatirapa siya bago ng pagyukod niya, halimbawa, mawawalang-saysay ang ṣalāh kung sinadya iyon at kakailanganin ang bumalik upang yumukod pagkatapos magpapatirapa siya kung nakalimot.

S: Ang mga kinakailangan sa ṣalāh. Ang mga ito ay walo, ayon sa sumusunod:
1. Ang lahat ng mga takbīr na iba pa sa takbīratul'iḥrām (panimulang takbīr);
2. Ang pagsabi ng "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)";
3. Ang pagsabi ng "Rabbanā wa-laka –lḥamd (Panginoon namin, at ukol sa iyo ang papuri)";
4. Ang pagsabi ng "Subḥāna rabbiya –­l`ađīm (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Sukdulan)" nang isang ulit habang nasa pagkakayukod;
5. Ang pagsabi ng "subḥāna rabbiya –­l'a`lā (kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakamataas)" nang isang ulit habang nasa pagkakapatirapa;
6. Ang pagsabi ng "Rabbi –ghfir lī (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin)" sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa;
7. Ang unang tashahhud;
8. Ang pag-upo para sa unang tashahhud.

S: Labing-isang sunnah, ayon sa sumusunod:
1. Ang pagsabi matapos ng takbīratul'iḥrām (panimulang takbīr): "Subḥānaka –llāhumma wa-bi-ḥamdika wa-tabāraka –smuka wa-ta`ālā jadduka wa-lā ilāha ghayruk. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh, kalakip ng papuri sa Iyo; napakamapagpala ang ngalan Mo, napakataas ang kabunyian Mo, at walang Diyos na iba pa sa Iyo.)" Tinatawag ito ng panalangin ng pagbubukas.
2. Ang ta`awwudh (panalangin ng pagpapakupkop).
3. Ang basmalah.
4. Ang pagsabi ng āmīn.
5. Ang pagbigkas ng sūrah matapos ng Al-Fātiḥah.
6. Ang pagbigkas nang malakas para sa imām.
7. Ang pagsabi, matapos ng taḥmīd, ng: "mil'a -l'arḍi wa-mil'a mā shi'ta min shay'im ba`d (Makapupuno ng mga langit, makapupuno ng lupa, at makapupuno ng anumang bagay na niloob Mo pagkatapos)".
8. Ang anumang lumabis sa isang beses sa tasbīḥ ng pagkakayukod, ibig sabihin: ang unang tasbīḥ, ang ikalawang tasbīḥ, at anumang lumabis doon.
9. Ang anumang lumabis sa isang beses sa tasbīḥ ng pagkapatirapa.
10. Ang anumang lumabis sa isang beses sa sinasabi sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa na: rabbi –ghrif lī.
11. Sa huling tashahhud, ang pagbigkas ng ṣalāh (panalangin ng basbas) sa mag-anak ng Propeta (sumakanila ang pangangalaga) at barakah (panalangin ng pagpapala) sa kanya at sa kanila at pagdalangin matapos nito.
Ikaapat:
Ang mga sunnah ng mga gawain. Tinatawag ang mga ito na mga anyo.
1. Ang pag-angat ng mga kamay kasama ng takbīratul'iḥrām.
2. Ang pag-angat ng mga kamay sa sandali ng pagyukod.
3. Ang pag-angat ng mga kamay sa sandali ng pag-angat mula sa pagkakayukod.
4. Ang pagbaba ng mga kamay matapos niyon.
5. Ang pagpatong ng kanang kamay sa kaliwang kamay.
6. Ang pagtingin sa nilalapagan ng pagpapatirapa.
7. Ang paghihiwalay ng mga paa habang nakatayo.
8. Ang paghawak ng mga kamay sa mga tuhod habang magkakahiwalay ang mga daliri sa pagkakayukod, ang pag-unat ng likod, at ang paglalagay ng ulo nang kanibel ng likod.
9. Ang paglapag ng mga bahagi ng katawan para sa pagpapatirapa sa lapag at ang pagdikit ng mga ito sa kinalalagyan ng pagpapatirapa.
10. Ang paghihiwalay ng mga braso sa mga tagiliran, ng tiyan sa mga hita, at ng mga hita sa mga binti. Ang pagpapahiwalay ng mga tuhod. Ang pagtutukod ng mga paa. Ang paglalagay ng mga ilalim ng mga daliri ng mga paa sa lapag nang magkakahiwalay. Ang paglalagay ng mga kamay nang pantay sa mga balikat habang nakaunat na nakadikit ang mga daliri.
11. Ang upong iftirāsh sa pag-upo sa pagitan ng dalawang patirapa, sa unang tashahhud at ang upong tawarruk sa ikalawang tashahhud.
12. Ang paglalagay ng mga kamay sa mga hita habang nakaunat na nakadikit ang mga daliri sa pagitan ng dalawang patirapa at gayon din sa tashahhud subalit siya ay magkukuyom, mula sa kanang kamay, ng hinliliit at palasingsingan, magbibilog ng hinlalaki kasama ng hinggigitna, at magtuturo ng hintuturo sa sandali ng pagbanggit kay Allāh.
13. Ang paglingon sa kanan at kaliwa sa pagsasagawa ng taslīm.

S: 1. Ang pag-iwan sa isang haligi o isang kundisyon mula sa mga kundisyon ng ṣalāh.
2. Ang pagsasalita nang sadyaan.
3. Ang pagkain at ang pag-inom.
4. Ang maraming magkakasunud-sunod na pagkilos.
5. Ang pag-iwan sa isang kinakailangan mula sa mga kinakailangan sa ṣalāh nang sadyaan.

S: Ang Pamamaraan ng Pagsasagawa ng Ṣalāh
1. Na humarap siya sa qiblah kasama ng buong katawan niya nang walang paglihis o paglingon;
2. Pagkatapos maglalayon siya ng ṣalāh na ninanais na dasalin sa puso niya nang walang pagbanggit ng layunin.
3. Pagkatapos magsasagawa siya ng takbīratul'iḥrām kaya magsasabi siya ng Allāhu akbar habang nag-aangat ng mga kamay niya nang pantay sa mga balikat niya sa sandali ng takbīr.
4. Pagkatapos maglalagay siya ng palad ng kanang kamay niya sa ibabaw ng kaliwang kamay niya sa ibabaw ng dibdib niya.
5. Pagkatapos dadalangin siya [nang tahimik] ng du`ā'ul'istiftāḥ (panalangin ng pagbubukas) kaya magsasabi siya: 6. "Allāhumma bā`id baynī wa bayna khaṭāyāya kamā bā`adta bayna -lmashriqi wa -lmaghribi. Allāhumma naqqinī min khaṭāyāya kamā yunaqqa -ththawbu -l'abyaḍu mina -ddanasi. Allāhumma -ghsil khaṭāyāya bi-lmā'i wa -ththalji wa -lbarad. (O Allāh, magpalayo Ka sa pagitan ko at ng mga kamalian ko kung paanong nagpalayo Ka sa pagitan ng silangan at kanluran. O Allāh, magdalisay Ka sa akin mula sa mga kamalian ko kung paanong dinadalisay ang puting kasuutan mula sa karumihan. O Allāh, maghugas Ka sa akin ng mga kamalian ko ng tubig, niyebe, at namuong yelo.)"
O magsasabi siya: "Subḥānaka -llāhumma wa biḥamdika wa tabāraka -smuka wa ta`ālā jadduka wa lā ilāha ghayruk. (Kaluwalhatian sa Iyo, o Allāh, at kalakip ng papuri sa Iyo. Mapagpala ang ngalan Mo, pagkataas-taas ang kabunyian Mo, at walang Diyos na iba pa sa Iyo.)"
6, Pagkatapos mananalangin siya ng pagpapakupkop kaya magsasabi siya: "A`ūdhu bi-llāhi mina –shshayṭāni –rrajīm(Nagpapakupkop ako kay Allāh laban sa isinumpang Demonyo)" 7. Pagkatapos sasambitin niya ang basmalah at bibigkasin ang Al-Fātiḥah kaya magsasabi siya: 1. Bismi –llāhi –rraḥmāni –rraḥīm (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain.) 2. Alḥamdu lillāhi rabbi –l`ālamīn (Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,) 3. arraḥmāni –rraḥīm (ang Napakamaawain, ang Maawain,) 4. Māliki yawmi –ddīn (ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas.) 5. Iyyāka na`budu wa-iyyāka nasta`īn (Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong.) 6. Ihdina –ṣṣirāṭa –lmustaqīm (Patnubayan Mo kami sa landasing tuwid:) 7. ṣirāṭa –lladhīn an`amta `alayhim ghayri –lmaghḍūbi `alayhim wa-la –ḍḍāllīn (ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw.) (Qur'ān 1:1-7)
Pagkatapos magsasabi ako ng: "Āmīn." Nangangahulugan ito: "O Allāh, tugunin Mo."
8. Pagkatapos bibigkas siya ng anumang madali mula sa Qur'ān at magpapahaba siya ng pagbigkas sa ṣalāh sa fajr.
9. Pagkatapos yuyukod siya, ibig sabihin, magbababa siya ng likod niya bilang pagdakila kay Allāh. Sasambit siya ng takbīr sa sandali ng pagyukod niya. Mag-aangat siya ng mga kamay niya nang pantay sa balikat niya. Ang sunnah ay na mag-unat siya ng likod niya, maglagay siya ng ulo niya nang kanibel ng likod, at maglagay ng mga kamay niya sa mga tuhod niya nang magkakahiwalay ang mga daliri.
10. Magsasabi siya, sa pagkakayukod niya, ng: "Subḥāna rabbiya –l'adhim (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakadakila)" nang tatlong ulit. Kung magdaragdag siya ng: "Subḥānaka –llāhumma wa bi-ḥamdik, Allāhumma –ghfir lī (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin)," ay maganda.
11. Pagkatapos mag-aangat siya ng ulo niya mula sa pagkakayukod habang nagsasabi: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)" at mag-aangat siya ng mga kamay niya sa sandaling iyon nang pantay sa balikat niya. Ang ma'mūm naman ay hindi magsasabi ng: "Sami`a –llāhu liman ḥamidah" at magsasabi lamang siya ng kapalit nito: "Rabbanā wa-laka –lḥamd".
12. Pagkatapos magsasabi siya ng: "Rabbanā wa laka -lḥamd, mil'a -ssamāwāti wa mil'a -l'arḍ, wa mil'a mā shi'ta min shay'im ba`d (Panginoon namin, at ukol sa Iyo ang papuri, na kasimpuno ng mga langit, kasimpuno ng lupa, at kasimpuno ng anumang bagay na niloob Mo matapos niyon.)"
13. Pagkatapos magpapatirapa siya ng unang pagpapatirapa. Magsasabi siya, sa sandali ng pagkakapatirapa niya, ng Allāhu akbar. Magpapatirapa siya na nakadikit sa lapag ang pitong bahagi ng katawan: ang noo at ilong, ang mga palad ng kamay, ang mga tuhod, at ang mga dulo ng mga paa. Maglalayo siya ng mga braso niya sa mga tagiliran ng katawan at hindi siya maglalatag ng mga braso niya sa lapag. Maghaharap siya sa qiblah ng mga dulo ng mga daliri niya.
14. Magsasabi siya, sa pagkapatirapa niya, ng: "Subḥāna rabbiya -­l'a`lā (Kaluwalhatian sa Panginoon ko, ang Pinakamataas)" nang tatlong ulit. Kung magdaragdag siya ng: "Subḥānaka -llāhumma wa biḥamdik, Allāhumma -ghfir lī (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allāh, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin)," ay maganda.
15. Pagkatapos mag-aangat siya ng ulo niya [kasama ng katawan] mula sa pagkakapatirapa habang nagsasabi ng Allāhu akbar.
16. Pagkatapos uupo siya sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa sa kaliwang paa niya at magtutukod siya ng kanang paa niya. Maglalagay siya ng kanang kamay niya sa dulo ng kanang hita niya nang malapit sa tuhod niya at magkukuyom siya, mula sa kanang kamay, ng hinliliit at palasingsingan. Mag-aangat siya ng hintuturo at magpapagalaw nito sa sandali ng pagdalangin niya. Maglalagay siya ng dulo ng hinlalaki na nakaugnay sa dulo ng hinggigitna gaya ng aro (loop). Maglalagay siya ng kaliwang kamay niya na nakalatag ang mga daliri sa dulo ng kaliwang hita niya nang malapit sa tuhod.
17. Magsasabi siya sa pagkakaupo niya sa pagitan ng dalawang patirapa: "Rabbi –ğfir lī, wa-rḥamnī, wa-hdinī, wa-rzuqnī, wa-jburnī, at wa-`āfinī (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin, maawa Ka sa akin, magpatnubay Ka sa akin, magtustos Ka sa akin, magpuno Ka sa akin, at magpalusog Ka sa akin.)"
18. Pagkatapos magpapatirapa siya ng ikalawang pagpapatirapa gaya ng una sa sinasabi at ginagawa. Magsasagawa siya ng takbīr sa sandali ng pagpapatirapa niya.
19. Pagkatapos babangon siya mula sa ikalawang pagpapatirapa habang nagsasabi ng Allāhu Akbar. Magdarasal siya ng ikalawang rak`ah gaya ng una sa sinasabi at ginagawa maliban na siya ay hindi dadalangin [nang tahimik] ng du`ā'ul'istiftāḥ dito.
20. Pagkatapos uupo siya matapos ng pagwawakas ng ikalawang rak`ah habang nagsasabi ng Allāhu Akbar at uupo siya gaya ng pag-upo niya sa pagitan ng dalawang pagkakapatirapa.
21. Bibigkas siya ng tashahhud sa pagkakaupong ito kaya magsasabi siya ng: "Attaḥīyātu lillāhi wa-ṣṣalawātu wa-ṭṭayyibāt, assalāmu `alayka ayyuha –nnabīyu wa-raḥmatu –llāhi wa-barakātuh, assalāmu `alaynā wa-`alā `ibādi –llāhi –ṣṣālihīn, ashhadu an lā ilāha illa –llāh, wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh. Allāhumma ṣalli `alā Muḥammadin wa-`alā āli Muḥammadin kamā ṣallayta `alā Ibrāhīm wa-`alā āli Ibrāhīm, innaka ḥamīdum majīd; Allāhumma bārik `alā Muḥammadin wa-`alā āli Muḥammadin kamā bārakta `alā Ibrāhīm wa-`alā āli Ibrāhīm; innaka ḥamīdum majīd. (Ang mga pagbati ay ukol kay Allāh, at ang mga dasal at ang mga kaaya-ayang gawain. Ang pagbati ay ukol sa iyo, O Propeta, at ang awa ni Allāh at ang mga pagpapala Niya. Ang pagbati ay ukol sa atin at ukol sa mga maayos na lingkod ni Allāh. Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya. O Allāh, basbasan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbasbas Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal. O Allāh, biyayaan Mo si Muḥammad at ang mag-anak ni Muḥammad gaya ng pagbiyaya Mo kay Abraham at sa mag-anak ni Abraham; tunay na Ikaw ay Kapuri-puri, Maringal.) Pagkatapos dadalangin siya sa Panginoon niya ng anumang naiibigan niya mula sa mabuti sa Mundo at mabuti sa Kabilang-buhay.
22. Pagkatapos magsasagawa siya ng taslīm sa dakong kanan niya habang nagsasabi ng: "Assalāmu `alaykum wa raḥmatu ­-llāh." Pagkatapos gayon din sa dakong kaliwa naman.
23. Kapag ang ṣalāh ay tatluhang rak`ah o apatang rak`ah, hihinto siya sa katapusan ng unang tashahhud: ang pagsabi ng: Ashhadu an lā ilāha illa –llāh, wa-ashhadu anna muḥammadan `abduhu wa-rasūluh.
24. Pagkatapos babangon siya para tumayo habang nagsasabi ng Allāhu akbar at mag-aangat siyang mga kamay niya nang pantay sa balikat niya sa sandaling iyon.
25. Pagkatapos dadasalin niya ang natira mula sa ṣalāh niya ayon sa pagsasagawa ng ikalawang rak`ah subalit siya ay magkakasya sa pagbigkas ng Al-Fātiḥah.
26. Pagkatapos uupo siya nang upong tawarruk: magtutukod siya ng kanang paa niya, maglalabas siya ng kaliwang paa niya mula sa ilalim ng kanang binti niya, maglalapag siya ng pigi niya sa lapag, maglalagay siya ng mga kamay niya sa hita niya ayon sa pagkalarawan ng pagkalagay nito sa unang tashahhud.
27. Bibigkasin niya sa pagkakaupong ito ang tashahhud sa kabuuan nito.
28. Pagkatapos magsasagawa siya ng taslīm sa dakong kanan niya habang nagsasabi ng: "Assalāmu `alaykum wa raḥmatu ­-llāh." Pagkatapos gayon din sa dakong kaliwa naman.

S: Astaghfiru –llāh (Humihingi ako ng tawad kay Allāh), tatlong beses.
Allāhumma anta –ssalāmu wa-minka –ssalām, tabārakta yā dha –ljalāli wa –l'ikrām. (O Allāh, Ikaw ang Sakdal at mula sa Iyo ang kapayapaan. Napakamapagpala Mo, o pinag-uukulan ng pagpipitagan at pagpaparangal.)
Lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu –lmulku wa-lahu –lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Allāhumma lā māni`a limā a`ṭayta, wa-lā mu`ṭiya limā mana`ta, wa-lā yanfa`u dha –ljaddi minka –ljadd. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya, walang katambal para sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kapangyarihan. O Allāh, walang makapipigil sa anumang ibinigay Mo at walang makapagbibigay sa anumang pinigil Mo. Hindi makapagpapakinabang sa may yaman laban sa Iyo ang yaman).
Lā ilāha illa –llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu –lmulku wa lahu –lḥamd, wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. Lā hawla wa-lā qūwata illā bi-llāh. Lā llāha illa –llāh, wa-lā na`budu illā iyyāh, lahu –nni`matu wa-lahu –lfaḍlu wa-lahu –ththanā'u –lḥasan. Lā ilāha illa –llāhu mukhliṣīna lahu –ddīna wa-law kariha -lkāfirūn. (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya: walang katambal para sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. Walang kapangyarihan at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh. Walang Diyos kundi si Allāh, at wala tayong sinasamba kundi Siya. Ukol sa Kanya ang pagbibiyaya at ukol sa Kanya ang pagmamabuting-loob at ukol sa Kanya ang magandang pagbubunyi. Walang Diyos kundi si Allāh. [Tayo ay] mga nagpapakawagas sa Kanya sa pagtalima, kahit pa man masuklam ang mga tagatangging-sumampalataya.)
Subḥāna -llāhi wa biḥamdihi (Kaluwalhatian kay Allāh.), 33 beses.
Alḥamdu lillāh (Ang papuri ay ukol kay Allāh.) 33 beses.
Allāhu akbar (Si Allāh ay pinakadakila.) 33 beses.
Pagkatapos magsasabi siya sa paglulubos ng isandaan:
Lā ilāha illa –­llāhu waḥdahu lā sharīka lah, lahu –­lmulku wa lahu –lḥamd, wa huwa `alā kulli shay'in qadīr (Walang Diyos kundi si Allāh – tanging Siya, walang katambal para sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kapangyarihan).
Bibigkasin ang Sūrah Al-Ikhlāṣ (Qur'ān 112), ang Sūrah Al-Falaq (Qur'ān 113), at ang Sūrah An-Nās (Qur'ān 114) nang tigtatlong beses matapos ng ṣalāh na fajr at ṣalāh na maghrib at nang tig-isang beses matapos ng mga iba pang ṣalāh.
Bibigkasin ang Āyatulkursīy (Qur'ān 2:255) nang isang beses.

S: Dalawang rak`ah bago ng ṣalāh na fajr;
Apat na rak`ah bago ng ṣalāh na ḍ̆uhr;
Dalawang rak`ah matapos ng ṣalāh na ḍ̆uhr;
Dalawang rak`ah matapos ng ṣalāh na maghrib;
Dalawang rak`ah matapos ng ṣalāh na `ishā'.
Ang kainaman ng mga ito ay sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagdarasal sa araw at gabi nang labindalawang rak`ah bilang pagkukusang-loob, magpapatayo si Allāh para sa kanya ng isang bahay sa Paraiso." Nagsalaysay nito sina Imām Muslim, Imām Aḥmad, at iba pa sa kanilang dalawa.

S: Ang araw ng Biyernes. Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na kabilang sa pinakamainam sa mga araw ninyo ang araw ng Biyernes; dito nilikha si Adan, dito siya kinuha, dito ang [huling] pag-ihip [sa tambuli], at dito [magaganap] ang hiyaw, kaya magpadalas kayo ng panalangin ng basbas sa akin dito sapagkat tunay na ang panalangin ninyo ng basbas ay inilalahad sa Akin." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, papaano pong inilalahad ang panalangin namin ng basbas sa iyo samantalang nabukbok ka na?" Iniibig nilang sabihin: "Nabulok ka na." Kaya nagsabi siya: "Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagkait sa lupa ng mga katawan ng mga propeta." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at iba pa sa kanya.

S: Isang tungkulin ng individuwal sa bawat Muslim na lalaki, nasa hustong gulang, nakapag-uunawa, at residente.
Nagsabi si Allāh:
{O mga sumampalataya, kapag nanawagan para sa pagdarasal sa araw ng Biyernes ay magmadali kayo sa pag-alaala kay Allāh at iwan ninyo ang pagtitinda. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam.} (Qur'ān 62:9)

S: Ang bilang ng mga rak`ah ng ṣalāh sa Biyernes ay dalawang rak`ah, na nagpapalakas sa dalawang ito ang imām ng pagbigkas, kung saan nauunahan ang dalawang ito ng dalawang kilalang khuṭbah.

S: Hindi pinapayagan ang pagliban sa ṣalāh sa Biyernes maliban may isang legal na maidadahilan. Nasaad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang sabi niya: "Ang sinumang nag-iwan ng tatlong ṣalāh sa biyernes dala ng pagwawalang-bahala, magpipinid si Allāh sa puso niya." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at iba pa sa kanya.

S:
1. Ang pagpaligo;
2. Ang pagpapabango;
3. Ang pagsusuot ng pinakamagandang damit;
4. Ang pagpapaaga ng pagpunta sa masjid;
5. Ang pagpaparami ng pagdalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan);
6. Ang pagbigkas ng Sūrah Al-Kahf;
7. Ang pagpunta sa masjid nang naglalakad;
8. Ang paghahanap ng oras ng pagtugon sa panalangin.

S: Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pagdarasal sa jamā`ah ay higit na mainam mula sa pagdarasal ng nag-iisa nang dalawampu't pitong antas." Nagsalaysay nito si Imām Muslim.

S: Ito ay ang pagkadalo ng puso at ang katiwasayan ng mga bahagi ng katawan sa ṣalāh.
Nagsabi si Allāh:
{Nagtagumpay nga ang mga mananampalataya, na sila sa pagdarasal nila ay mga taimtim,} (Qur'ān 23:1-2)

S: Ito ay isang karapatang kinakailangan sa isang natatanging yaman ng isang itinanging pangkatin sa isang itinanging oras.
Ito ay isang haligi mula sa mga haligi ng Islām at isang kawanggawang kinakailangan, na kinukuha sa mayaman at ibinibigay sa maralita.
Nagsabi si Allāh:
{magbigay kayo ng zakāh} (Qur'ān 2:43)

S: Ito ay hindi ang zakāh, tulad ng pagkakawanggawa ng anumang bagay alang-alang sa mga uri ng kabutihan sa alinmang oras.
Nagsabi si Allāh:
{Gumugol kayo ayon sa landas ni Allāh} (Qur'ān 2:195)

S: Ito ay ang pagpapakamananamba kay Allāh sa pamamagitan ng pagpigil sa mga tagapagpatigil-ayuno mula sa pagsapit ng madaling-araw hanggang sa paglubog ng araw kalakip ng layunin. Ito ay dalawang uri:
Pag-aayunong kinakailangan, tulad ng pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān, na isang haligi mula sa mga haligi ng Islām.
Nagsabi si Allāh:
{O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito sa mga *bago pa ninyo,* nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.} (Qur'ān 2:183)
Pag-aayunong hindi kinakailangan, tulad ng pag-aayuno sa Lunes at Huwebes ng bawat linggo, pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, na ang pinakamainam sa mga ito ay ang mga araw ng kaputian (ika-13, ika-14, at ika-15) mula sa bawat buwang Islāmiko.

S: Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya), ang Sugo ni Allāh ay nagsabi: "Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dahil sa pananampalataya at pag-asang gagantimpalaan, magpapatawad sa kanya sa anumang nauna sa pagkakasala niya." Napagkaisahan ang katumpakan.

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang isang taong nag-aayuno ng isang araw sa landas ni Allāh malibang maglalayo si Allāh dahil sa araw na iyon ng mukha nito sa apoy nang pitumpung taglagas."} Napagkaisahan ang katumpakan.
Ang kahulugan ng pitumpung taglagas ay pitumpung taon.

S: 1. Ang pagkain at ang pag-inom nang sadyaan;
2. Ang pagsusuka nang sadyaan;
3. Ang pagtalikod sa Islām;

S: 1. Ang pagdadali-dali sa pagtigil-ayuno;
2. Ang pagkain ng saḥūr at ang pagpapahuli nito;
3. Ang pagdaragdag sa mga gawain ng kabutihan at pagsamba;
4. Ang pagsabi ng nag-ayuno kapag nilait: Ako ay nag-aayuno;
5. Ang pagdalangin sa sandali ng pagtigil-ayuno;
6. Ang pagtigil-ayuno sa manibalang na datiles o hinog na datiles, ngunit kung hindi nakatagpo nito ay sa tubig.

S: Ang ḥajj ay ang pagpapakamananamba kay Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng pagsasadya sa Bahay Niyang Pinakababanal para sa mga itinakdang gawain sa isang itinakdang panahon.
Nagsabi si Allāh:
{Sa kay Allāh tungkulin ng mga tao ang pagsagawa ng ḥajj sa Bahay: ng sinumang nakayang [magkaroon] patungo roon ng isang landas. Ang sinumang tumangging sumasampalataya, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa mga nilalang.} (Qur'ān 3:97)

S: 1. Ang pagsasagawa ng iḥrām;
2. Ang pagtigil sa `Arafah;
3. Ang pagsasagawa ng ṭawāf ng ifāḍah;
4. Ang pagsasagawa ng sa`y sa pagitan ng Ṣafā at Marwah;

S: Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh na nagsabi: "Ang sinumang nagsagawa ng ḥajj para kay Allāh at hindi humalay ni nagpakasuwail, uuwi siya gaya ng araw na ipinanganak siya ng ina niya."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at iba pa sa kanya.
Ang pararilang "gaya ng araw na ipinanganak siya ng ina niya" ay nangangahulugang "nang walang pagkakasala".

S: Ang `umrah ay ang pagpapakamananamba kay Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng pagsasadya sa Bahay Niyang Pinakababanal para sa mga itinakdang gawain sa isang itinakdang panahon.

S: 1. Ang pagsasagawa ng iḥrām;
2. Ang pagsasagawa ng ṭawāf sa Bahay [ni Allāh];
3. Ang pagsasagawa ng sa`y sa pagitan ng Ṣafā at Marwah.

S: Ito ay ang pag-uukol ng pagpupunyagi at makakaya sa pagpapalaganap ng Islām at pagtatanggol dito at sa mga alagad nito o pakikipaglaban sa kaaway ng Islām at mga alagad ng Islām.
Nagsabi si Allāh:
{at makibaka kayo sa pamamagitan ng mga yaman ninyo at mga sarili ninyo ayon sa landas ni Allāh. Iyon ay mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam.} (Qur'ān 9:41)