S:
1. Ang wājib (kinakailangan) ay tulad ng limang ṣalāh, pag-aayuno sa Ramaḍān, at pagsasamabuting-loob sa mga magulang.
- Ang wājib ay ginagantimpalaan ang tagagawa nito at pinarurusahan ang tagaiwan nito.
2. Ang mustaḥabb (naiibigan) ay tulad ng mga sunnah rātibah, pagdarasal sa gabi (qiyāmullayl), pagbibigay ng pagkain, at pagbati. Tinatawag din ito na sunnah (kalakaran) at mandūb (minamagaling).
- Ang mustaḥabb ay ginagantimpalaan ang tagagawa nito at hindi pinarurusahan ang tagaiwan nito.
Mahalagang Puna:
Nararapat para sa Muslim, kapag naririnig niya na ang bagay na ito ay sunnah o mustaḥabb na magdali-dali sa paggawa nito at pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
3. Ang muḥarram (ipinagbabawal) ay tulad ng pag-inom ng alak, kasuwailan sa mga magulang, at pagputol ng ugnayan sa kaanak.
- Ang muḥarram ay ginagantimpalaan ang tagaiwan nito at pinarurusahan ang tagagawa nito.
4. Ang makrūh (di-kanaisnais) ay tulad ng pagkuha at pagbibigay sa pamamagitan ng kaliwang kamay at paglililis ng damit sa ṣalāh.
- Ang makrūh ay ginagantimpalaan ang tagaiwan nito at hindi pinarurusahan ang tagagawa nito.
5. Ang mubāḥ (pinapayagan) ay tulad ng pagkain ng mansanas at pag-inom ng tsaa. Tinatawag din ito na jā'iz (pwede) at ḥalāl (pinahihintulutan).
Ang mubāḥ ay hindi ginagantimpalaan ang tagaiwan nito at hindi pinarurusahan ang tagagawa nito.
S:
1. Ang pandaraya: ang pagkukubli ng kapintasan ng paninda.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naparaan sa isang bunton ng pagkain saka nagpasok siya ng kamay sa loob nito saka nakakapa ang mga daliri ng pamamasa kaya nagsabi siya: "Ano ito, O may-ari ng pagkain?" Nagsabi naman ito: "Tumama po riyan ang ulan, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Kaya ba hindi ka naglagay nito sa ibabaw ng pagkain upang makita ng mga tao? Ang sinumang nandaya ay hindi kabilang sa akin."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
2. Ang ribā (patubo o interes) at tulad nito na kukuha ang isang tao ng 1,000 Piso na pautang sa kundisyon na babayaran niya ito ng 1,200 Piso.
Ang karagdagan ay ang patubong ipinagbabawal.
Nagsabi si Allāh: {Nagpahintulot si Allāh ng pagtitinda at nagbawal Siya ng patubo.} (Qur'ān 2:275)
2. Ang gharar (panlalalang) at ang pagkamangmang gaya ng pagtitinda sa iyo ng gatas samantalang nasa suso pa ng tupa o ng isda samantalang nasa tubig pa at hindi pa nahuhuli.
Nasaad sa ḥadīth: {Sumaway ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagtitinda ng panlalalang.} Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
S: 1. Ang biyaya ng Islām at na ikaw ay hindi kabilang sa mga kampon ng kufr (kawalang-pananampalataya).
2. Ang biyaya ng Sunnah at na ikaw hindi kabilang sa mga kampon ng mga bid`ah.
3. Ang biyaya ng kalusugan at kagalingan sa pandinig, paningin, paglalakad, at iba pa sa mga ito.
4. Ang biyaya ng pagkain, inumin, at isinusuot.
Ang mga biyaya ni Allāh (napakataas Siya) sa atin ay marami na hindi nabibilang at hindi naiisa-isa.
Nagsabi si Allāh: {Kung magbibilang kayo ng biyaya ni Allāh ay hindi kayo makapag-iisa-isa nito. Tunay na si Allāh ay talagang Mapagpatawad, Maawain.} (Qur'ān 16:18)
S: Ang kinakailangan ay ang magpasalamat sa mga ito. Iyon ay sa pamamagitan ng pagbubunyi kay Allāh at pagpupuri sa kanya sa pamamagitan ng dila yayamang sa Kanya – tanging sa Kanya – ang kabutihang-loob at ng paggamit ng mga biyayang ito sa nakapagpapalugod kay Allāh (napakataas Siya) hindi sa pagsuway sa Kanya.
S: Ang `Idul fiṭr (Pagdiriwang ng Pagtigil-ayuno) at ang `Idul 'aḍḥā (Pagdiriwang ng Pag-aalay).
Nasaad sa ḥadīth ni Anas na nagsabi: {Dumating ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah at mayroon silang dalawang araw na naglalaro sila sa dalawang ito kaya nagsabi siya: "Ano ang dalawang araw na ito?" Nagsabi sila: "Kami noon ay naglalaro sa dalawang ito sa Panahon ng Kamangmangan." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nagpalit nga sa inyo sa dalawang ito ng higit na mabuti kaysa sa dalawang ito: ang araw ng pag-aalay at ang araw ng pagtigil-ayuno."} Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwūd.
Ang anumang iba pa sa dalawang ito na mga `īd ay kabilang sa mga bid`ah.
1. Ang sariling palautos ng kasagwaan. Iyon ay ang pagsunod ng tao sa idinidikta sa kanya ng sarili niya at pithaya niya sa pagsuway kay Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas). Nagsabi si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya): {Tunay na ang sarili ay talagang palautos ng kasagwaan, maliban sa kinaawaan ng Panginoon ko. Tunay na ang Panginoon ko ay Mapagpatawad, Maawain.} (Qur'ān 12:53) 2. Ang demonyo. Ito ay kaaway ng anak ni Adan at ang layon nito ay magligaw sa tao, magpasaring sa kanya sa kasamaan, at magpasok sa kanya sa Impiyerno. Nagsabi si Allāh: {at huwag kayong sumunod sa mga yapak ng demonyo. Tunay na siya para sa inyo ay isang kaaway na malinaw.} (Qur'ān 2:168) 3. Ang mga kasamahan sa kasagwaan na mga humihimok sa kasamaan at bumabalakid sa kabutihan. Nagsabi si Allāh: {Ang mga matalik na magkaibigan, sa Araw na iyon, ang iba sa kanila para sa iba pa ay kaaway, maliban sa mga tagapangilag magkasala.} (Qur'ān 43:67)
S: 1. Ang pagkalas sa pagkakasala;
2. Ang pagsisisi sa nagdaang pagkakasala;
3. Ang pagtitika sa hindi panunumbalik doon;
4. Ang pagpapanumbalik ng mga karapatan at mga kawalang-katarungan sa mga kinauukulan ng mga ito.
Nagsabi si Allāh: {na mga kapag nakagawa ng isang mahalay o lumabag sa katarungan sa mga sarili nila ay umaalaala kay Allāh kaya humihingi ng tawad para sa mga pagkakasala nila – at sino ang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi si Allāh – at hindi nagpupumilit sa nagawa nila habang sila ay nakaaalam.} (Qur'ān 3:135)